Monthly Archives: July 2010

Walang Hanggang Paalam

Walang Hanggang Paalam

Day 13 of July. May mangyayari ba sa pagitan nito hanggang mag-akinse para masabing hindi pa ito ang tamang oras ng pamamaalam?

Eight years ago, I have witnessed myself kung paano nalungkot at nangulila nang umalis din ang perslab ko papunta sa kabundukan ng Zambales para mag-training sa Philippine Navy. Tanda ko pa sa araw ng pagpunta niya sa headquarters sa Roxas Boulevard, isang oras kaming nagusap sa cellphone ( di pa uso ang mga unlicall noon so kamusta naman ang nagastos ko sa load). Sa pamamaalam pa lang thru phone di ko na kinaya. Paano na lang kung talagang nakita ko siyang sumampa sa army truck. Or Makita siyang papalayo na bitbit ang mga gamit niya at sigurado akong magkikita na lamang kami matapos ang isang taon.

Nakakatuwa naming isipin, ngayon ulit ko naramdaman yung pangungulilang iyon na di ko akalain na ang taong nagngangalang Kim Nam Gil ang siyang dahilan ng matinding kalungkutan ko ngayon. For few months of admiration and keeping this page updated, I met different people, discovered my strength and weaknesses; have known my limitations and how far I can go.

Sa Operation Gilicious ko napatunayan kugn gaano tayo ka-adeek sa kanya. May pag-aalangan ako na baka di yun makarating sa kanya at baka sa bungad pa lang ng Star J entertainment ay di na tanggapin ang padalang iaabot ng Fed Ex. Habang yakap yakap kong dala ang package papuntang fedex noon, minumura ko siya sa isip ko, “Langhiya ka KNG. Dapat mong Makita to. Wag kang papasok ng militia na di mo to nakikita to buset ka!” Pero sa mga fans, na nagdasal na makarating ito sa kanya ay malaking pasasalamat na sa akin. Sana mabigyan pansin ang munting regalo natin sa kanya. Hindi man ganon kagarbo eh puno naman to ng pagmamahal. Sana Makita niya kung gaano siya pinagpipitagan dito sa Pinas. Sana..

For six months, this page have grown into something beautiful. A unified 5, 000 ++ fans who did not only swoon over Kim Nam Gil but also admire his humility and kind heart. He had entertained us by his wacky character as Bidam; carried away by his unstoppable love for Queen SEon Deok, and cried more than a liter of tears over his glorious death in the story. For six months, we have searched for all his pictures available in the cyberworld; watched those fanmade vids in youtube; learned to become patient while viikii painstakingly loads his current drama series; got curious about his previous movies and drama. We explored his life all through out . We were humbled by his generosity towards the unfortunate children. His low profile makes our pedestal for him hikes a notch higher. Everyday.

Kwento ng sundalo kong ekis noon, mahirap ang pinagdaanan nilang training. Sa sobrang hirap eh kapag nakalabas ka, tataaas ang tingin mo sa sarili mo dahil nalampasan mo ang physical, mental, emotional and psychological torture na dinanas mo mula sa kampo. Kugn iisipin ko si KNG, maaga siyang magigising araw-araw. Bago kumain ng breakfast, magjojogging muna sila sa kabundukan. Buong araw uubusin nila ang oras nila sa physical na gawain. May mga klase rin silang tinatawag para pag-aralan ang mga military terms and code of discipline.

Sa unang anim na buwan magiging ganon ang itsura ni KNG, wala na ang kanyang “bangs” na bagay na bagay sa kanya. Magiging highcut or flat top or even kalbo ang hairdo niya sa loob ng 2 taon. Puro mga camouflouge at combat shoes and laging get up niya. Mas madungis pa siya sa gusgusing Bidam na nakilala natin sa QSD. Sa dalawang taon sa kampo , isa lamang siyang private. Walang PA. walang maglalaba ng damit niya kundi siya. Walang sariling shower room. Walang malambot na higaan at mainit na comforter. Walang video camera. Walang limelight.

Kung tuloy na si KNG sa akinse. Dalawang damdamin ang mamayani sa akin. Lungkot at pag-asa. Nakakulongkot dahil mawawalay ang lalaking kinahumalingan natin mula sa kanyang ngiti at matatalas na tingin. But am hopeful at the same time that he will come back—a new Kim Nam Gil. Isang bagong imaheng patuloy natin susubaybayan .

Isa siya sa mga taong nagpasaya sa ating sa loob ng anim na buwan. He will continue to inspire us all even this time na hindi na niya makikita ang mga sons and daughters niya (san man tayo sulok ng mundo)

We will surely miss him.

“at habang papalayo..papalapit pa rin ang puso..kahit na magkahiwalay..”

^teniente Ly.