Sino ang iyong sundo?
Bihira lang sa mga Pinoy movies ang sinasadya kong panoorin ko sa big screen. At isa sa mga bihirang pagkakataon ito ay ang pag-abang ko sa Sundo.
Last year, nung na-feature sa Chikka Minute (24 Oras) ang tungkol sa isang horror flick na ikakatampok ni Robin Padilla, naging interesado ako kung ano kinahihinatnan ni Robin na mapasali sa isang horror movie. Dahil lahat naman ng pelikula niya, kung hindi action eh comedy, or konting kilig –kiligan na love story con comedy.
Isa sa mga article ng PEP (http://www.pep.ph/guide/3581/PEP-REVIEW:-Sundo-integrates-action-and-horror-in-one-surprising-package) , ang nagsabing ang Sundo ay na-pattern sa Final Destination I, at nabanggit pa don kung anong eksena ang naihantulad sa foreign trilogy.
KILABOT NG PINOY CINEMA
Si robin , sa Sundo , niya napatunayan na isa siya sa mga versatile na actor . Ang horror movie, di agad kumbinsidong nakakatakot hanggang hindi mo nailagay ang sarili mo sa istorya mismo. May mga horror kase na nagpakita lng ng white lady or gugulatin ka ng zombie, or magpapakita ng kabaong , nitso o duguan eh horror na. Nakakatakot na. Pero kung sa puntong nakakalimutan mo, na ang artistang iyon ay isang artista lamang. Ang kwento ay isang istorya lamang. Pero ang kagandahan ng kakayahan ni robin, hindi niya lang naipadama sa mga manonood ang makapatindig-balahibong eksena; kundi napaisip ka. Akala mo, ikaw ay nasa kwento rin. Kala mo , isa ka rin sa mga susunduin.
Mga eksenang di ko makalimutan :
- ang paglipat ke romano sa pamamagitan ng wheelchair na tulak ng nurse sa corridor ng ospital, bago pa man ung eksenang una siyang nakakita ng kaluluwa. Sa kakaantay ko ng lilitaw na multo sa harap niya, nakatutok ang paningin ko sa kanya habang tinutulak siya ng nurse.
- naloka lang ako sa baril na dala ni romano, anong mapapala ng baril ke kamatayan? Eh kahit tapatan mo pa ng nuclear bomb!
- si Isabella nakakita nga ba ng multo? Kung pagbabasehan ung reaksyon niya, mukha nga siyang nakakita. Pero kung ang kuha ng camera nialgay sa anggulo na hindi nakaharap ke Isabella, iisipin mo pa bang nakakita siya ng multo? O NAKARAMDAM? Kung pagbabasehan ang kuru-kuro tungkol sa multo, makakaranas ka ng lamig sa tuwing me magpapramdam.
- “romano, susunduin mo na rin ba ako?” –hawak mo ang sarili mo habang inaabangan kung sinong nabuhay at hindi, pero dito, parang naalala ko ang the Sixth Sense. Ang pinagkaiba nga lang, hindi na ko nakahinga agad sa kinauupuan ko dahil sa sumunod na eksena.awww.
- naudlot na sundo—dito ako kinalibutan . ung eksena sa kennon road. Marahil dahil napadaan na ako sa highway na yon, nakita ko rin kung gaano siya ka-creepy sa gabi, lalo na pag umuulan (or [pagkatigil ng ulan, at hahamog pa). at sa tunnel na yon, kasama ang iyak ng sanggol, at ang lakad ni romano na wari mo’y isang batang nakikipaglaro ng tagutaguan …
hindi nasayang ang one hundred sixty pesos ko, kasama ang paglangoy ng gravy sa kinain kong chicken strips. Tama lang na gastusan ko ang Sundo. At sa isang kalahating oras na pagupo sa maginaw na sinehan ng SM, feeling ko, pagkatapos ng palabas, me nag aabang sa akin sa entrance..
ang aking sundo.
Scary kiddie: nagulat kaming tatlo (ako, si dem at anne) sa batang isinama ng magulang sa loob ng sinehan . nung nasa kalagitnaan na ng movie, (nung pinakita ang aksidente nila katrina at mark bautista), sa mangiyak iyak at takot na munting boses ng bata, nararapat lang na di dapat siya pinapasok umpisa pa lang.
“mommy..uwi na tayo…”