Monthly Archives: June 2009

ganon kadali?

payslip.

iv known such group of people who wont live another day without their payslips in their hands.sobra.parang di mabubuhay ng isang araw hanggang di nila nahawakan ang kanilang payslip. laging pandemonium sa tuwing matapos ang araw ng a-kinse at katapusan. ritual na yata ang magsiakyatan papuntang second floor para makipag-unahan sa pagkuha ng papel. di nakokontento n mapalampas ang isang linggo.ganun sila katinik.walang pinagkaiba sa pag pila sa ATM . mas malala pa nga eh. para silang nag-aaklas sa pagmamadali.

mga dialogs na nakakabigla:

1. bakit ang lumaki ang witholding tax ko ? wla din lang. yung increase sa sahod napunta din lang sa tax! ( sana naisip na nila na oras na tumaas ang basic pay, kasunod na riin ang pagtaas ng equivalent ng tax, and other benefits. besides.,after the integration of e-cola, tataas tlga ang w/tax. )

2 .anu tong A/ R dito ? tanong ni manang corazon. Purchase order nio po te.sagot ko. ay! wala akong p.o. no! pag-aanounce niya in high volume. eto ate o.sabi ko sabay pakita ang logbook. at natahimik na rin siya. bka gusto p niya makita ang p.o card na pinimirhanan niya. ay ambot.

3. ang nakakalokang katanungan: tess, hanggang kelan n lang yung lapsing ng chit ko ? and promise.hindi lang isang ate o kuya ang nagtatanong niya. they are SEVERAL.

4. oi! bakit anjan ka na , may pila a!

5. pwedeng makuha n din yung payslip ni dodong? (asawa niya)

6. pakuha ng payslip!

ate , kain muna kami( puno ng katas ng crab ang mga kamay namin)

nood pa rin siya sa amin habang nilalamutak ang tiyan ng alimango.

mmaya na lang ate , kain muna kami.tignan mo o ang dungis ng mga kamay

namin….( at dun yata siya natauhan)

minsan ang sarap silang sigawan. minsan ang sarap magpaliwanag .pero sa sobrang technical n g sinasabi mo ,, di mo namamalayan, na pati na rin ikaw di mo na naiintindihan yung nasabi mo sa kanila.. minsan ang sarap deadmahin. magpalusot. pag nataray sila, talo ka na kasi naunahan ka .pero kung ikaw ang unang pumindot ng buzzer.yari ka.ang sama -sama mo.isa ka ng kontrabida sa tele novela .kung ano na ang ibabansag sa yo. yari ka kung yung natiempohan na pangalang bininyag sa yo eh on going sa telebabad o prime time bida..tsk tsk.

malas mo.

minsan, sa aking kapilyahan, 2 days before ko ni-release and payslip. kumuha ako ng reinforcer para siya ang maglagay ng notice sa pinto nmin ./at napakatahimik ng hapon n iyon.wlang kaguluhan. walang palengke. sarado. kung pwede nga lang na ganun lage ang idadahilan eh. pero, putik. bka katayin nila ako isa-isa kung ganon.

” WALANG PAYSLIP. NAG-HANG ANG COMPUTER”

wish ko lang.


pewa pewa pewa

 

 

 

PaUTAng!

 

 

Sino ang walang utang?

Ikaw na nakakabasa nito, wala ka bang utang?

Pag wala, aba napakaswerte mong nilalang! Sambahin ka!

Pero kahit na ikaw ay isa sa mga milyones na may utang, don’t worry..be happy pa ren.

Kase,

Di ka nag-iisa!

Imagine mo, pag balang araw, may weird na senaryo at nagrerequire na lahat ng mga may utang ang siya lamang may karapatang mabuhay, aba! Save by the bell ka!

 

At eto pa, kahit may utang ka, di ka makukulong. Promise. Nasa Civil Code yan (circa 1949).

 

Pero kahit na walang batas na nag uutos na ikulong ang mga nangungutang, may mga batas pa ren na nakadikit dito. Ang Anti-Bouncing Check Law (B.P bilang 22) halimbawa kung saan makukulong ka sa pag-issue ng check ng walang pondo sa araw na iprepresent na ng pinagbayaran mo sa bangko. Or ang pamemeke ng pirma ng may pirma (RA 9105 Crime of Art of Forgery, which I find it weird, naging Art talaga ang panggagaya ng pirma. LOL) makabayad ka lng ng utang.

 

May mga batas din na nakadikit sa utang, ang Obligations and Contracts (Book IV ng walang kupas na antigong Civil Code ng cica 1949). Pero sa isang sem ko na pinag-aralan to nung College, isa lang ang tanda ko . ang napakaweirdong Dacion en Pago.(later kwento ko yan)

 

Ang daming batas.

Subalit may mga inherent rules of engagement pagdating sa utang. Pero siguro sa tindi ng pangangailan, di na rin natin naiisip na may ganyan pala.

 

RULE 1: TRUST and Confidence

            Ang Credit ay dahil sa trust and confidence mo sa pinaguutangan mo. Hindi mo siya pinautang dahil sa grounds na ganto: syota, asawa, friend, crush mo, sikat, madaming pera(oo hindi lahat ng madaming pera mayaman, LOL), kababata since fetus pa lang kayo, teacher, student, co-worker etc etc. kahit sino ka pa na anak ng hari at reyna. Hindi yan ang dahilan baket ka nagpautang. Yun ay dahil sa tiwala at sa paniniwala mo na kaya ka niyang bayaran.

 

           

            Kaya pag may nanghiram sa yo at wala ka naming tiwala, wag ka nang magpautang. Kahit na sabihin mo pa na nag-CI (credit investigation) ka na, nag –guarantee si syota , asawa, friend, crush , or kababata ng pahihiraman mo, nasa yo pa ren ang huling say. Kaakibat ng pagpapautang eh ang Risk. The higher ang level ng confidence mo kay  borrower, the higher the risk. Hingan mo ng commitment kung kelan niya bayaran. Kung di niya mabayran sa araw na yon, kasalanan mo pa ren. Kase sa commitment date ng pagbabayad niya, may risk pa ren yun.

 

 

RULE 2: WAG MAKIPAG AWAY HABANG MAY UTANG

 

            Totoo to. Lalo na kung ang pinautang mo ay ang syota mo. Wahahahaha. Wag ka nang umasa na makakakolekta ka pa ng maayos kung aawayin mo lang si borrower sa anu mang dahilan. Dito matetest ang iyong patience. Pag wala ka niyan, wag ka na rin mag pautang.

 

RULE 3: WAG GAWING CREDIT COLLECTION ANG COMMUNITY WEBSITE

 

            Habang nade-degrade ang credibility ni borrower sa pag popost mo sa friendster, facebook, multiply or sa myspace ang status quo ng balance at I nterest at terms, kabuntot niya ang sarili mo. Nakakapraning din yun sa mga taong di nakakaalam na may tinayo ka na palang underground financial institution. Baka dahil jan, ang iyong makabag-damdaming artikol will lead to an impression na “katakot naman siyang utangan!”. Bawas points ang iyong kasikatan. Sayang ang mga sleepless hours ng pag uupdate ng pictures, ng events at friends sa iyong account. Tsk .tsk.tsk.

 

RULE 4: WAG MAPRANING

 

            Ang may utang naprapraning na kung pano niya bayaran ang utang mo. Wag ka nang sumabay. Its bad for your health.  Kung wala siyang commitment, wala ka nag magagawa. Kasalanan mo ren kase  nagtiwala ka.

 

            May mga tao kase na the more na kinukulit mo sa utang nila sa yo, mas lalong hindi ka nila papansinin.

 

RULE 5: DISKARTE

 

            Ang weird talaga yung Dacion en pago, anong petsa na, 2009. next year , magpapalit na naman ang structure ng gobyerno. Pero ang Dacion en  pago , ganon pa ren. (para kaseng tunog pagi sa tuwing nababasa ko siya. LOL) .

 

            Ang Dacion en pago eh ang tinatawag nilang pagsesettle ng utang sa pamamagitan ng pagsurrender mo ng nakasanlang gamit or ari-arian. Dation in Payment sa English. Pero ang sikat sa business eh yang pago nay an. Di pa ba malalaos yan? LOL

 

            May isa pang diskarte kung gusto mo makasingil, offsetting. Hanapan mo ren ng paraan na ikaw naman ang makakautang sa kanya. Wahahahahha. Tapos pasimple ka na lang sabihin, o ayan ibawas mo sa utang mo sa akin. Wahahahahhaa.pero hindi lahat ng pagkakataon magagawa mo yon. Hindi naman lahat ng buwan buwan , may binyagan, kasalan, birthday sa buhay niya.

 

Hay.

Ang utang ay bahagi na ng tao. Ako naggraduate ng elementary, hayskul at kolehiyo dahil sa pangungutang ng nanay ko. (mama: Pinang-utang ko na lahat ng buhok ko!) May mga kompanya sa US na nabuhay ng ilang taon dahil lang sa financing (diplomatikong term ng pangungutang) hanggang sa bumagsak ang Wall Street.

 

Kahit na nga ang mga namatay na ay na-eextend pa ren ang utang sa kanilang heirs and successors.

 

Ganon katanda ang utang.

 

 

So, matapos mo tong basahin.

 

Pwede pautang?


OUCH

Tinuhog mo ang puso ko!

(kaya mo ??)

 

eto yata ung mga common reasons na nasasabi tuwing may break up.

Except for number 16, nagiging template na ang gantong mga dialogue.

Pero pag nasabi pa ren sa yo ‘to as their alibi or reason or explanation for the break up…tagos pa ren!!

 

  1. its not you, its me
  2. im pregnant, at hindi ikaw ang ama
  3. she’s pregnant at ako ang ama
  4. ill migrate in US/AUS/UK/CAN for good. At bukas na ang flight
  5. there’s someone else
  6. I love her more
  7. I love him more
  8. I’m gay
  9. madedestino ako sa basilan
  10. madedestino ako sa iraq
  11. I’m engaged
  12. I’m engaged with my parent’s business partner’s daughter/son
  13. Priority ko pangarap ko ngayon
  14. I don’t love you anymore maghanap ka na ng iba
  15. Pagod na ako
  16. 1 buwan na lang ang taning ng buhay ko
  17. Ayaw ng pamilya ko say o
  18. Di kita kayang ipaglaban sa pamilya mo
  19. Goodbye
  20. Quits na tayo (!!!!)

 

 

 

 

daHiL jAn, PWENDS nA TaYo!

 

 

Naaliw ako sa tuwing naririnig ko ang katagang to na binabanggit ni Mr. Fu sa radyo as one of his taglines.

 

Sa tuwing may nagtetext sa kanya at nanghihingi ng payo; matapos niyang mapayuhan ng panenermon, yan ang magiging final say niya.

 

Na kahit di naman niya alam ano itsura nung taong sawi sa pag-ibig or relasyon (legal o illegal), laging parting words niya yan, kahit na siguro sa kabilang dulo ng pinanggalingan ng text..baka na HB na yung listener o lalong bumaba NA ang morale pagkarinig ng “te…wag ka masyadong malandi te!”.

 

Chicken lang naman ang mangbigay ng payo. Ilalatag sa yo ang mga detalye, analyze , sabayan ng analogy , ng mga quotes galing sa mga prominenteng persons—and whola! Ayan na , pwede ka nang maging “dear friend” ate jolens!

 

Pero ang mahirap ay ang manghinge ng payo. Lalo na kung ang nagawa mo o ginawa mo sa problema mo ay otsentang porsyentong (o mahigit )kagaguhan o kabobohan. Malamang sermon lang ni Father ang abot mo.

 

Mas mahirap na naman manghingi ng payo kung ikaw ay binalot ng ego at pride na kasingkapal ng jacket ng mga Eskimo. At sa tuwing lapit mo kay friend, uurong ang buntot mo na tila aso. Bawat araw na pagtatangka mong lumapit, nauudlot dahil puno ang isip mo ng mga “what if what if”. Nakahalata na rin si friend sa inconsistency ng katahimikan mo. Nagpapahaging na siya sa yo kung ano ang problema mo dahil sa busangot mong mukha.  Pero. Pinili mo mag-kiber kiberan.

 

Lumipas ang araw at buwan, akala mo okay ka na. akala mo ren okay ka na sa buong barkada. Pero akala mo lang yun. Sa bawat tawa, may halong pagtataka..okay ka na ba? nasabi mo na ba ang ibig mong sabihin? Eto na ba ang ending ng pagmumukmok..pangdedeny o pag mamaang-maangan sa kung ano ang totoo?

 

Eh ano na ren ba ang totoo?

O ayan lito ka na.

Sa tinagal ng delaying tactics (that is, ang di pagharap sa problema) isa ka na lamang simpleng tuod na naghihiintay ng himala mula sa langit.

 

Ang mga friends ay hindi mga superhero para lahat ng problema natin sa life ay may solution. (nagpapaka-superhero lang..hahahaha) . Pero ang maging confidant natin sila sa buhay ay isang regalo mula kay Jeus. The more friends, the merrier  ang mga payo. Ang sermon, tawa , iyakan at kulitan. Para lang yang halo halo na madaming sahog. Ikaw kung magpipirme ka na lang sa mais con yelo o ice tubig.

 

Friends do come and go. Kaya wag ka nang maging paranoid na balang araw ang mga yan ay lalayasan ka, iwan kang mag-isa. Mas lalayasan ka sa lalo’t madaling panahon, kung ikaw na mataas ang tingin sa sarili eh magpapakahayok ka sa sarili mong diskarte sa buhay , kahit na naamoy mo na sa sarili mo na bulok pala lahat ng diskarte mo.

 

 

Baket nga ba ako nagsulat ng tungkol dito?

Para eto sa isang kaibigan na feeling ko tinaboy ako, kasama ng iba pa pa naming pwends.

Pero ano pa at sinarado na niya ang gate niya at tinapon ang susi sa dagat.

 

I rest my case.


s;lencer

One thing I have learned from yesterday meeting with the finance people is this:

Blaming will never justify the fall or loss of a business. There will  always be a tangible proof to vouch the reasons why a certain success rescinded to push through.

 

When you ought to blame others for decisions you alone had made , it is a sign of irresponsibility topped with pride and ego. I still believe in humility. But yesterday, I found none from my superiors.

 

It was just so disappointing to present yourself dignified to these people whom I respect the  most despite the fact that my services already offered, is until now, uncompensated( and even undervalued). But  my sentiment goes mostly to my fellow workers whom families expected or worse, hoped for what is due. It was sad though, after all the services rendered by their people, they still think of these poor workers as the major cause of their downfall.

 

We are indeed struck by the global recession.

 

Sigh.