Category Archives: SENTIS

 

 

 

 

daHiL jAn, PWENDS nA TaYo!

 

 

Naaliw ako sa tuwing naririnig ko ang katagang to na binabanggit ni Mr. Fu sa radyo as one of his taglines.

 

Sa tuwing may nagtetext sa kanya at nanghihingi ng payo; matapos niyang mapayuhan ng panenermon, yan ang magiging final say niya.

 

Na kahit di naman niya alam ano itsura nung taong sawi sa pag-ibig or relasyon (legal o illegal), laging parting words niya yan, kahit na siguro sa kabilang dulo ng pinanggalingan ng text..baka na HB na yung listener o lalong bumaba NA ang morale pagkarinig ng “te…wag ka masyadong malandi te!”.

 

Chicken lang naman ang mangbigay ng payo. Ilalatag sa yo ang mga detalye, analyze , sabayan ng analogy , ng mga quotes galing sa mga prominenteng persons—and whola! Ayan na , pwede ka nang maging “dear friend” ate jolens!

 

Pero ang mahirap ay ang manghinge ng payo. Lalo na kung ang nagawa mo o ginawa mo sa problema mo ay otsentang porsyentong (o mahigit )kagaguhan o kabobohan. Malamang sermon lang ni Father ang abot mo.

 

Mas mahirap na naman manghingi ng payo kung ikaw ay binalot ng ego at pride na kasingkapal ng jacket ng mga Eskimo. At sa tuwing lapit mo kay friend, uurong ang buntot mo na tila aso. Bawat araw na pagtatangka mong lumapit, nauudlot dahil puno ang isip mo ng mga “what if what if”. Nakahalata na rin si friend sa inconsistency ng katahimikan mo. Nagpapahaging na siya sa yo kung ano ang problema mo dahil sa busangot mong mukha.  Pero. Pinili mo mag-kiber kiberan.

 

Lumipas ang araw at buwan, akala mo okay ka na. akala mo ren okay ka na sa buong barkada. Pero akala mo lang yun. Sa bawat tawa, may halong pagtataka..okay ka na ba? nasabi mo na ba ang ibig mong sabihin? Eto na ba ang ending ng pagmumukmok..pangdedeny o pag mamaang-maangan sa kung ano ang totoo?

 

Eh ano na ren ba ang totoo?

O ayan lito ka na.

Sa tinagal ng delaying tactics (that is, ang di pagharap sa problema) isa ka na lamang simpleng tuod na naghihiintay ng himala mula sa langit.

 

Ang mga friends ay hindi mga superhero para lahat ng problema natin sa life ay may solution. (nagpapaka-superhero lang..hahahaha) . Pero ang maging confidant natin sila sa buhay ay isang regalo mula kay Jeus. The more friends, the merrier  ang mga payo. Ang sermon, tawa , iyakan at kulitan. Para lang yang halo halo na madaming sahog. Ikaw kung magpipirme ka na lang sa mais con yelo o ice tubig.

 

Friends do come and go. Kaya wag ka nang maging paranoid na balang araw ang mga yan ay lalayasan ka, iwan kang mag-isa. Mas lalayasan ka sa lalo’t madaling panahon, kung ikaw na mataas ang tingin sa sarili eh magpapakahayok ka sa sarili mong diskarte sa buhay , kahit na naamoy mo na sa sarili mo na bulok pala lahat ng diskarte mo.

 

 

Baket nga ba ako nagsulat ng tungkol dito?

Para eto sa isang kaibigan na feeling ko tinaboy ako, kasama ng iba pa pa naming pwends.

Pero ano pa at sinarado na niya ang gate niya at tinapon ang susi sa dagat.

 

I rest my case.


s;lencer

One thing I have learned from yesterday meeting with the finance people is this:

Blaming will never justify the fall or loss of a business. There will  always be a tangible proof to vouch the reasons why a certain success rescinded to push through.

 

When you ought to blame others for decisions you alone had made , it is a sign of irresponsibility topped with pride and ego. I still believe in humility. But yesterday, I found none from my superiors.

 

It was just so disappointing to present yourself dignified to these people whom I respect the  most despite the fact that my services already offered, is until now, uncompensated( and even undervalued). But  my sentiment goes mostly to my fellow workers whom families expected or worse, hoped for what is due. It was sad though, after all the services rendered by their people, they still think of these poor workers as the major cause of their downfall.

 

We are indeed struck by the global recession.

 

Sigh.